“THANK You Lord for the success of ‘Eat Bulaga’ you’ve carried us through the 37 years and still counting! alleluia !” Ito ang post ng mabait at very generous na Senior Vice President ng TAPE Office Inc. na si Tita Malou Choa Fagar sa pagdiriwang ng 37 taon ng Eat Bulaga. .
Very thankful si Tita Malou sa lahat ng taong walang sawang sumusuporta at patuloy na tumututok mula Lunes hanggang Sabado sa number one at most awarded noon time variety show sa bansa.
Ang suporta ng kanilang regular viewers ang kanilang inspirasyon para mas pagandahin pa ang Eat Bulaga. At sa pagpasok nito sa ika-38 taon ay asahan na mas marami pang pakulo ang kanilang hatid para mas maging masaya ang panonood ng bawat Filipino.
MATABIL – John Fontanilla