MUKHANG magkakaroon ng Paolo Ballesteros Festival sa darating na Disyembre para sa taunang Metro Manila Film Festival dahil plano ng mga producers ng mga ginagawa nitong pelikula na ipasok sa festival na ito.
Una na rito ang inaabangang Die Beautiful hatid ng The Idea First Company na pag aari ng napakabait na sina Direk Perci Intalan at Jun Lana at ang Vic Sotto starrer.
Ilan sa inaabangang obra maestra nina Direk Perci at Jun sa Die Beautiful ang transformation ni Paolo sa ilang sikat na celebrities na gagayahin.
MATABIL – John Fontanilla