Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, isang restaurateur na (Lily Chua, papasukin na ang pagpo-produce ng concerts)

ALDEN up close! Sinorpresa niya ang Reyna ng Intriga na si Nanay Cristy Fermin sa dinner naman tendered by her very good friend Tita Lily Chua sa Fridays at Rembrandt noong Friday night.

Alden Richards came with a bunch of flowers for the celebrant. Katatapos lang niya sa isang recording.

Ang plano nga ni Alden eh, bumati lang sa may kaarawan. Pero nang yayain na siya ni Nanay Cristy na sumubo man lang muna, hindi ito tumanggi. At narinig namin kung paanong sinabi nito ang katotohanang gutom talaga siya.

Hindi siya nagkakanin. So in-enjoy lang niya ang baby back ribs with pasta. At nang matapos na ang pagkain nito nakita rin namin how clean his plate was at ang mga buto eh maayos na nakasalansan sa isang gilid ng plato.

Abala rin pala siya sa pagiging isang restaurateur ngayon.

“Partner po ako sa Concha’s in Tagaytay. Nakita ng friend ko ‘yung place and tinanong ako kung gusto kong mag-invest.”

Short but sweet ang encounter na ‘yun with Alden. At kinabukasan nga raw eh, palipad siya ng Singapore para sa isang show. At isang araw ang inilaan para siya makapaggala bago umuwi ng Maynila.

May wish din kami together with the celebrant for Alden-to see him with other leading ladies with great acting prowess to see the best in him!

Lily Chua, papasukin na ang pagpo-produce ng concerts

POWER of voices.

Speaking of the now famous and byword Tita Lily Chua na kaibigan nina Nanay Cristy, Mama Jobert Sucaldito at iba pang celebrities like Erik Santos, papasukin na rin pala nito ang pagpo-produce ng concerts this year.

Together with her amigas like Atty. Carmela Lozada, they are bringing Arnel Pineda sa Theater at Solaire na makakasama ang Fourth Element (formerly known as the Cercada Sisters) sa Power of Voices sa October 28, 2016.

Hindi mawawala riyan ang baby ni Tita Lily na si Michael Pangilinan!

Bakit naging close si Tita Lily sa ilang member of the press? Because of one thing—ang Solaire na dinadalaw siya ng karamihan. It’s her and husband Henry’s favorite place after a hard day’s work.

Nai-share nga sa amin ni tita Lily ang kanilang humble beginnings ni Tito Henry bilang mga negosyante. Sa panahong bus ang transportation nila para habulin ang mga kliyente.

Aba! Hindi spared si Tita Lily sa mga intriga ng showbiz ha! May time kasi na isang aging starlet ang bumastos-bastos sa kanya sa isang event at ipinahiya siya. Kaya simple lang naman ang ginawa niya—ang i-ban na ito for life from her circle.

Kaya ngayon naman, Tita Lily and Tito Henry are paying it forward sa mga hardworking din na mga tao around them.

Mark your calendars na!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …