#JENFREESNIKKA
From the bondage of jealousy at iba pang nakakabit sa dating relasyon ni Jennylyn Mercado sa ama ng kanyang si Alex Jazz na si Patrick Garcia, nagsaad ng kanyang kuwento ang partner ngayon ni Patrick na si Nikka sa kung paanong nagkalapit na sila ng babaeng masasabing nasa gitna nila ni Patrick sa mahabang panahon bilang ina rin ng anak nito.
Matinding dasal at paglaban sa kanyang selos at insecurities ang naging sandalan ni Nikka Martinez sa tuwing dadalaw si Patrick kina Jen at AJ.
Lakas ng loob na text message ang ipinadadala niya kay Jen na naging daan para sila magkita at magkausap at mag-bonding na rin.
Kaya nga naging bahagi na si Jazz ng kanilang kasal.
At maski si Jen, buong pagmamalaki ring ibinahagi ang kuwento ni Nikka from her blog.
All’s well that ends well at lumaya na rin sa kadena ng mga selos at insecurities ang nagmamay-ari na sa puso ni Patrick!
HARDTALK – Pilar Mateo