Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman

Kilalang aktres, may pagka-luka-luka

MAY pagka-luka-luka pala talaga ang kilalang aktres dahil mahilig mag-drama kapag may nakakita sa kanyang fans na gustong magpa-picture.

Kuwento mismo ng kaibigan naming nasa katabing upuan, ”nagtatawanan sina (kilalang aktres) at PA niya, tapos nakita ni (kilalang aktres) na papalapit ang fans biglang humiga at tumalikod.

“Siyempre ‘yung fans hindi na tumuloy kasi nga nakita nilang humiga at tumalikod na, nahiya na sila.

“Noong lumayo na ang fans, sabi niyong PA niya, ‘wala na, umalis na sila’, at saka tumayo si (kilalang aktres) at nagtawanan sila. ‘Di ba luka-luka?

“Akala nila mabait, kasi naman ‘pag naiinterbyu sa TV mabait, pero maldita ‘yan. Sabagay inaamin naman niya na may pagka-ganoon siya.”

Tanda namin ay ilang beses na ring naba-blind item itong si kilalang aktres pero ibang isyu naman at may nagsabi ring taga-production na nakatrabaho niya na may ugali ‘pag wala sa mood, pero mabait naman daw talaga.

Siguro nga, tama ang terminong ginamit ng aming kaibigan, ‘luka-luka.’

Pero base naman sa nakikita namin sa aura ngayon ng kilalang aktres ay masayang-masaya siya kasi super-in-love.

( Reggee Bonoan )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …