DAPAT tularan ng mga tagahangang gustong mag-showbiz si Maine Mendoza. Tinulungan kasi nito ang sarili para mapansin ang style niyang female mala-Mr. Bean.
Ngayon, sikat na si Maine at limpak-limpak ang kinikita.
Totoong lahi sila ng mayayaman sa Sta. Maria, Bulacan pero sa mga magulang n’ya ‘yon. Balitang mayroong drug store at magagandang sasakyan ang pamilya. Ang problema lang ni Maine na sa sobrang pagsikat niya ay nawalan siya ng privacy na pinakamahalaga sa buhay ng tao.
Anyway, wedwer-weder lang naman ang kasikatan hindi habambuhay.
SHOWBIG – Vir Gonzales