Aries (April 18-May 13) Komportable kang pagtiwalaan ang mga taong nasa kapangyarihan.
Taurus (May 13-June 21) Magdahan-dahan sa pagkilos. Hindi mainam ang araw ngayon para istorbohin ang panahimik ng ibang tao.
Gemini (June 21-July 20) Itigil na ang pag-iwas at maging tapat. Huwag sosobra sa pagbahagi ng iyong nararamdaman.
Cancer (July 20-Aug. 10) Medyo dumestansya sa sitwasyon at sikaping tingnan ito sa ibang perspektiba.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Aandar ngayon ang iyong introspective mood, iyong pagninilay-nilayin ang nakaraang naganap na drama.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Maglaan ng oras ngayon para sa nobelang matagal mo nang inaasam na mapanood o mabasa.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Suriin ang iyong pananalapi. Ang pagbabadyet ng pera at panahon ay makatutulong sa iyo.
Scorpio (Nov. 23-29) Maeengganyo kang makinig sa tsismis, ngunit nakasisira ito. Huwag hayaang maadik sa ganitong gawain.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Subukang gumawa ng mga bagay na dati’y hindi mo kayang gawin. Umasa sa sariling magagawa mo ito.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Dapat kang maging kalmado ngayon at ayusin ang ikinikilos, walang drama at ano mang sobrang emosyon.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Ang iyong pagiging masigla ay mababawasan ngayon, ngunit ito ay positibo.
Pisces (March 11-April 18) Galingan mo pa. Kapag hindi mo ginawa ang inaasahan ng mga tao, baka hindi ka na nila pansinin.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Huwag kang patutukso sa paglahok sa ibang bagong mga proyekto ngayon maliban na lamang kung sarili mo itong inisyatibo.
ni Lady Dee