Friday , July 26 2024

Panaginip mo, Interpret ko: Nagpalit ng panty

Muzta po sir,

Ung drim q nagpunta aq s banyo dahil magpapalit po aq ng panty, bading po ako, pls intrprt aq po c manang B, tenk u po wag u na lng llgay cp # q, kakahiya po e

To Manang B,

Kapag nakakita ng banyo o palikuran sa panaginip, ito ay simbolo ng pag-release ng emosyon o ng anumang bagay na walang pakinabang o walang silbi para sa iyo. Maaari rin namang ito ay isang senyal sa iyo na kailangan kang magtungo sa banyo, kaya nagpahiwatig ang iyong katawan sa iyong utak at ito ay na-transfer sa pamamagitan ng panaginip.

Ang panty naman sa panaginip ay nagre-represent ng feminine attitudes and feelings. Ito ay repleksiyon din ng hinggil sa female point of view. Maaaring may kaugnayan din ito sa idea ukol sa sexuality. Posibleng may kaugnayan din ito sa takot sa paglabas ng mga sikreto. O kaya naman, sa isang nakakahiya at hindi maipaliwanag na sitwasyon. Alternatively, ito ay nagpapakita rin ng totoong pagkatao ng nanaginip. Maaaring nagsasabi rin na kailangang malaman niya ang kabuuan lalo na ang pinaka-ilalim ng mga pangyayari. Nagsasabi rin ito ng mga ukol sa pribadong bagay. Kung nahiya na nakitang naka-panty ka lang, may kaugnayan ito sa agam-agam na ilabas ang tunay na damdamin, ugali, o iba pang nakatagong idea. Kung okay lang sa iyo na makita kang nakasuot lang ng panty, nagpapakita ito na handa ka nang ilabas ang ilang bagay na dati ay nakatago o isinisekreto mo.

Maaaring ang panaginip na ganito ay nagpapahiwatig din sa iyo ng hinggil right timing, na panahon na upang ikaw ay magpakatotoo lalo na sa iyong sarili. Goodluck sa iyo and God bless.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

SM Prime 2

SM Prime at 30: A legacy of innovation and shared prosperity

Celebrating 30 Years of Transformative Growth: SM Prime Holdings Chairman Mr. Henry T. Sy, Jr. …

Kumu

SM Agency president ipinagmalaki ang Kumu: This is Filipino apps and we are definitely Filipino

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WE’RE still here. We’re celebrating our 6th anniversary and we’re …

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *