NO permanent enemies at friends talaga sa showbiz. Dati ay nagkaroon ng gap sina Angelica Panganiban at Angel Locsin after nila gawin ang isang pelikula with Dingdong Dantes pero ngayong parehong single at may picture pa sila na magkasama at nagtatawanan, huh! Kumbaga, single ladies..happy together.
Makikita ang naturang photo sa kanilang Instagram account na ikinagulat din ng netizens. May isang comment nga sa Banana Sundae star na, ”Close pala kau. Dati parang may iringan kau.”
May nag-comment din ng ”Good to see na maayos na kayo. Fav ko kaya kayo.”
Halatang parang naka-move on na sa picture na ‘yun sina Angel at Angelica sa pakikipag-split nila kina Luiz Manzano at John Lloyd Cruz. Makikita rin sa sapatos ni Angelica ang salitang ”single”.
Talbog!
ni ROLDAN CASTRO