Friday , May 3 2024

Alden, mala-Lloydie ang acting; Maine, bongga sa pagsasalita ng Italian

00 fact sheet reggeeMaraming nakapansing magkahawig sina Alden at John Loyd Cruz pati sa pananamit. Sa acting ay siyempre mas lamang ang Kapamilya star, pero given a chance ay puwedeng humabol ang Kapuso actor.

Si Maine ay okay lang ang acting at gusto namin dahil hindi siya conscious kung hindi siya maganda sa kamera dahil nga sa laki ng bibig niya at mga ngipin, pero kapag seryoso na ang dalaga ay maganda naman at nag-aral lalo na kapag nagsasalita na siya ng Italian dahil ang ganda ng diction.

Kuwela sina Kakai Bautista at Cai Cortez bilang mga kaibigan at housemate ni Maine dahil sila ang tagapakinig at tagapayo sa mga naging problema ng dalaga kay Alden.

Simple lang ang acting ni Jasmine dahil nai-deliver niya ng maayos ang karakter na maysakit na malapit ng mamatay at maski na third wheel siya sa kuwento ay markado naman dahil siya ang dahilan kaya nagkakilala sina Andrew (Alden) at Gara (Maine) sa Italy.

Sa nakaraang presscon ng Imagine You & Me ay may nagbirong P1-B daw ang target ng pelikula na posibleng mangyari dahil sa lakas nito bukod pa sa malapit ng mag-100 ang scheduled block screenings at may international screenings pa sa iba’t ibang bansa.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Kathniel Kathryn Bernardo Alden Richards

Daniel dinedma ni Kathryn, fans nalungkot

MATABILni John Fontanilla WALANG pagbating nangyari mula kay Kathryn Bernardo sa kaarawan ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel …

Vice Ganda Anna Magkawas

Vice Ganda mas gustong inaalagaan

RATED Rni Rommel Gonzales SI Vice Ganda ang bagong celebrity endorser ng Luxe Skin Beauty Talks Booster na …

Sarah Lahbati Zion Gutierrez

Sarah madamdamin ang pagbati sa kaarawan ng anak

MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN ang pagbati ng aktres na si Sarah Lahbati na idinaan sa social media …

Paulo Avelino Luis Manzano

Luis bigong mapiga si Paulo sa lovelife

I-FLEXni Jun Nardo WALANG mapipiga kay Paulo Avelino pagdating sa kanyang lovelife. Eh kahit may paandar si Luis …

Juliana Torres Gomez Richard Gomez Lucy Torres

Goma at Lucy suwerte sa isa’t isa, 26 taon nang kasal

HATAWANni Ed de Leon HAPPY 26th anniversary to Congressman Richard Gomez and Mayor Lucy Torres-Gomez. Isipin ninyo, 26 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *