Thursday , June 4 2026

PNP kumasa sa lifestyle check

WALANG problema sa pamunuan ng pambansang pulisya kung isasailalim sila sa lifestyle check batay na rin sa iniutos ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay PNP Chief PDGen Ronald Dela Rosa, mula sa kanya hanggang sa PO1 ay maaaring imbestigahan.

Sinabi ni Dela Rosa, ang sino mang tutol sa gagawing lifestyle check ay tiyak na may itinatagong yaman.

Habang hindi pabor si Dela Rosa na mismong ang PNP ang magsasagawa ng imbestigasyon sa kanila.

Dahil baka ang resulta nito ay ‘self serving’ at tiyak pagdudududahan ng publiko.

Sinabi ni PNP chief, mas mabuting manggaling sa ibang ahensiya ang mag-iimbestiga na saklaw rin ng DILG gaya ng NAPOLCOM.

Una rito, iniutos ni Interior and Local Government Secretary Mike Sueno ang lifestyle check sa buong PNP organization.

Ito’y kasunod nang pagkakabulgar ng pangalan ng limang heneral na sinasabing sangkot sa operasyon ng ilegal na droga sa bansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …