Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden Richards, excited sa pelikulang Imagine You & Me

00 Alam mo na NonieMAGKAHALONG excitement at kaba ang nararamdaman ni Alden Richards sa pelikula nila ni Maine Mendoza na Imagine You & Me na showing na sa July 13. Ito ang inamin ng Pambansang Bae, ngunit idinagdag niyang base sa feedback na kanilang naririnig ay marami na ang nag-aabang sa kanilang pelikula ni Yaya Dub.

“Opo, sa lahat naman po ng mga ganitong kalaking bagay na nangyayari sa buhay ng mga tao, especially sa amin ni Maine as love team. It’s-after Tamang Panahon, the second biggest break po of our love-team.

“So, excited po kami and parang… hiniling po kasi ng mga tao ito sa amin, sa Eat Bulaga po, kay Direk Mike, kay Tatay po-Mr Tuviera… so kinakabahan po kami in a sense and may pressure. Kasi, ang taas po ng expectations ng mga tao.

“Pero base po sa mga naririnig naming feedbacks after pong mapanood iyong trailer and doon po sa nakikita nilang mga promotions namin, we’re looking forward to the movie and we’re very excited po to show this film on July 13,” pahayag ni Alden.

Ano ang dapat abangan ng fans sa movie ninyong ito ni Maine?

“Well, aside po roon sa mga eksena, iyong Italy po mismo. Kumbaga, iyong film po kasi-sabi nga po ni Direk Mike, it would not be possible kung sinhoot (shoot) ito sa ibang lugar.

“The movie was made to be shot sa Italy. So, iyong ganda po ng mga sceneries, ganda po ng locations namin, isa po iyon sa mga highlight ng pelikula. And iyong kabuuan ng pelikula, kasi yung trailer is patikim pa lang. It’s not the whole story of the movie,” esplika pa ni Alden.

Bitin naman ang sagot ni Alden nang usisain kung may patikim ba ng lips o halikan sila ni Maine rito.

“Ay naku! Marami po, marami pong naghahalikan doon sa mga pinagkunan namin, ganoon po sila ka-showy sa affection nila with one another. Pero tignan nyo po, basta…,” nakangiting pa sagot ni Alden.

Ang pelikula ay prodyus ng APT Entertainment, GMA Films, and M-ZET Television at mula sa pamamahala ni Direk Mike Tuviera. Kasama rin sa casts sina Jasmine Curtis Smith, Cacai Bautista, Cai Cortez, Gerald Napoles, at iba pa.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …