Sunday , December 22 2024
crime scene yellow tape

8 patay sa drug operation sa N. Cotabato

COTABATO CITY – Patay ang walo katao sa isinagawang operasyon kahapon madaling araw laban sa isang organized crime group sa Poblacion, Matalam, North Cotabato.

Batay sa ulat ng Matalam PNP, inilunsad ang joint operation para isilbi ang arrest warrant laban sa mga suspek sa hinihinalang drug den sa Sitio Quiapo.

Ngunit nanlaban ang mga suspek na nagresulta sa palitan ng putok sa mga awtoridad.

Napatay ang walong suspek habang isa ang naaresto.

Ayon sa pulisya, ang grupo ay binubuo ng drug dealers, carnappers at holduppers na sangkot sa ilang krimen sa North Cotabato.

Narekober sa raid ang mga baril, apat na granada at limang sachet ng pinaniniwalaang shabu.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *