PAG-AARALAN muna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) sa implementasyon ng Freedom of Information (FOI) Bill.
Ayon sa Pangulo, kamakalawa lang naipresenta sa gabinete ang draft ng nasabing EO.
Kaya kanya muna itong aaralin bago lagdaan.
Sa susunod na linggo na ayon sa Pangulong Duterte, mailalabas ang EO para sa FOI Bill.
Una nang ipinangako ni Pangulong Duterte pagkatapos mahalal, na maglalabas siya ng Executive Order para sa implementasyon ng FOI bill.