Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagpapalawig ng pelikulang-local, mapansin sana ni Digong

TUMUTULO ang mga luha ng mga nakapanood kay Freddie Aguilar habang kumakanta sa inaguration ng bagong panguloRodrigo “digong” Duterte sa Malacanang.

Damang-dama nila ang bawat titik ng awiting iyon ni ka Freddie. Sabi nga ng isang nanonood sa television, “Finally we can breath now,” ngayong may bagong pangulo na handang tumulong ibahin ang imahe ng Pilipinas.

Nakare-relate kasi ang mga mamamayan kay President Digong lalo na ‘yung mga taga-probinsiya. Sa handaan lang na idinulot sa mga bisita kakaning Filipino na gawang Davao. Mayroon ding Durian, ang pambansang prutas ng City of Davao.

Matatandaang among our president noong araw sina dating President Elpidio Quirino lang at President Ramon Magsaysay ang kahawig ng katangian ni Pres Digong. Malapit siya at nakikipag-usap sa mga mahihirap Halatang mahal niya ang Pilipinas at hindi pang-sarili ang gustong gawin ssa pagiging pangulo.

Maging pamilya niya ay banayad kumilos at makiharap. Hindi sila sabik sa publicity at nagpapapansin para makunan ng TV camera.  Sana sa ibang araw mabigyan pansin niya ang mga pelikulang lokal na maipalabas din ng lingguhan sa mga sinehan. Halos invaded na kasi ng mga dayuhang producers ang ating mga sinehan.

Minsan lang mapansin ang local pictures tuwing may film festival. Sana huwag din taasan ang tax na sinisingil sa mga film  producer. Marami kasing umaasa sa paggawa ng pelikula at kapag minsan lang sila maipalabas bawas kita.

Noong araw mga Tagalog picture ang namamayani sa mga sinehan tuwing ilang araw lang sa mga dayuhan gayon sila na itong naghahari at nakikisuyo na lang ang local pictures. Makabayan si President Digong.

SHOWBIG – Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …