NAPAHIYA ang isang hairstylist named John Valle sa social media.
Nagmaganda kasi ang hitad, ang feeling niya siguro ay prettier pa siya kay Nadine Lustre, ayun, na-bash tuloy siya ng fans ng aktres.
Ang feeling kasi ng fans ni Nadine ay binastos ang kanilang idol nang mag-post ang hairstylist ng FHM Sexiest celebrities kabilang sina Jennylyn Mercado, Jessy Mendiola and Nadine nga. Okay na sana kaso ginawa niyang blurred ang photo ng dyowa ni James Reid.
Ayun, nagwala ang JaDine fans, kaliwa’t kanang batikos ang inabot niya sa social media kaya napilitan siyang mag-sorry sa aktres at sa fans nito. Ang hirit niya, wala siyang intensiyon na bastusin si Nadine.
Wala nga siguro pero ang dating ay binastos mo na rin si Nadine kaya ayan ang napala mo.
UNCUT – Alex Brosas