Saturday , July 27 2024

Pagiging OPM Icon ni Vice Ganda, kinuwestiyon

NAIMBIYERNA si Vice Ganda sa isang basher who questioned his selection as featured OPM Icon sa We Love OPM: The Celebrity Sing Offs.

One @abhie Delos Santos posted this on her Twitter account, ”di pa rin maprocess ng utak ko kung bakit si vice yung guess ngaun? ganun na ba sukatan ng pagiging opm artist? so sad #OPMViceGanda.”

May follow-up pa ang hitad,  ”Napakaraming mga magagaling na singer o litiral na opm artist pero bat si vice pa.”

“Napakagaling nung mga naunang guess, tapos c vice? Wtf, di na tlaga opm ang mga kantahan ngaun nakakalungkot#OPMViceGanda,” huling hirit pa ng basher.

Tila napikon si Vice who retorted, ”’Di ko rin maprocess kung bakit ‘guess’? I guess GUEST ang ibig mong sabihin? Muka ngang di nagprocess ang utak mo!”

“Tumawag kayo ng bumbero. May hater na nasunog! BURN KARAKARAKA!!!!” dagdag pa niya.

“‘Biglang nagbura ng tweet! Kaya next time @DLSAbhie be smarter. Wag puro hate. Good vibes lang girl. Nytie!!!” pagwawakas na say ng stand-up comedian.

We felt na icon naman talaga si Vice. Ang dami niyang novelty songs na pinasikat, among them KaRaKaRaKa, #BoomPanes, #PushMoYanTe, ’Wag Kang Pabebe,and Chuva Choo Choo.

ni ALEX BROSAS

About Alex Brosas

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *