Thursday , June 4 2026

Pokwang, ipakikilala na sa pamilya ni Lee

00 SHOWBIZ ms mSa kabilang banda, sinabi rin ni Pokwang na hindi pa rin siya makapaniwalang wala na ang kaibigan nilang director. ”Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Wala na kasi ‘yung nangungulit, nagbibigay ng advise. Kasi sa Facebook tutok ‘yan eh. Kapag may ipino-post ako, nagtatanong agad ‘yan. Siya ‘yung unang nagre-react.”

Iginiit din ni Pokwang na sobrang nami-mis niya ang kaibigang director at ikinuwentong noon pa siya nanghihingi ng kopya ng Direk 2 Da Poynt.

“Noong birthday niya hinihingan ko na siya ng autograph pero sabi niya ‘ano ka ba iaano na natin, hintayin na ang launching para sabay-sabay na. Naku ayun di na inabot, kalorky,” sambit pa ng komedyana na abala sa pagtatapos ng kanilang afternoon series ni Melai Cantiveros, ang We Will Survive sa ABS-CBN2.

Ani Pokwang, nalulungkot sila na matatapos na ang We Will Survive dahil magkakahiwalay sila ni Melai. ”Pero tuloy pa rin ang communication namin. May usapan kami na tuwing weekend pupunta siya sa bahay para mag-bonding. Noon pa naman tuwang-tuwa na ako sa kanya, iisa kasi ang hulmahan namin,” natatawang kuwento pa ni Pokwang.

Natanong si Pokwang ukol sa kasal at pagkakaroon nila ng anak ng kanyang American boyfriend na si Lee O’Brien, at sinabi nitong, ”’Wag muna kasi may bagong project na paparating. Teleserye. Wag muna po, bata pa wow! Hahaha.”

Bakit, hindi ba kayang pagsabayin?

“Ako naman kung ano lang ‘yung ano bahala na Siya. Kung mabiyayaan (anak), buhay ‘yun, gift ‘yun, aalaaan ko ng bonggang-bongga, pero as much as possible siyempre, gusto ko munang makita ang anak ko na magtapos, ganoon.”

At ukol sa planong pagpapakasal, sinabi nitong, ”Andoon na kami sa mga tsururut, preparations,” hirit nito. ”Magmi-meet na nga with the parents sa August. Pupunta kami sa Napa Valley ganoon,” giit pa niya na isasabay na raw nila ni O’Brien ‘pag nagpunta sila sa Agosto sa America para sa show nila roon nina Chocolate, Pooh, at K Brosas.

“May bakante kaming tatlong araw, gogora na kami roon sa parents niya,”masayang pagbabalita ni Pokwang.

Samantala, ang Direk 2 Da Poynt  ay ang labor of love for two full years at ang last project na ginawa ni Direk Wenn bago siya pumanaw noong Pebrero.

“Buong buhay ko ang nasa libro. Lahat ng mga hindi nila alam,” sambit ni Direk Wenn sa isang interbyu sa kanya last year. “Lahat ng mga haka-haka nila tungkol sa akin. Pati lovelife, ibinigay ko,” aniya pa.

Ang 153 page na libro ay naglalahad ng istorya ni Direk Wenn mula nang mahirap pa siya hanggang sa yumaman, ukol din sa kanyang childhood sa pagiging single parent gayundin sa pagiging waiter at struggle sa ABS-CBN hanggang sa pagiging top box-office director.

“’Pag nabasa mo ‘yong libro, iiyak ka, tatawa ka…Basta ibinigay ko kung ano ‘yung pwede kong maitulong sa mga katulad ko na gustong may mapuntahan din. Very inspiring ‘yung libro ko,” giit pa ng director.

Mabibili na ang Direk 2 Da Poynt sa National Bookstore at Powerbooks branches nationwide.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …