ISANG malaking katanungan ngayon sa sirkulo ng boksing kung magkakaroon nga ba ng realisasyon ang bakbakang Gennady Golovkin at Canelo Alvarez?
Sa isang panayam kay dating middleweight boxing champion Sergio Martinez, walang kagatul-gatol ang kasagutan nito na hindi mangyayari ang nasabing dream fight sa pagitan nina Golovkin at Alvarez sa dekadong ito.
Sa isang interbiyu ng FightHub, tinanong si Martinez tungkol sa boluntaryong pagkakawala kay Canelo ng kanyang middleweight championship na magiging tulay para matuloy ang laban.
“I don’t know why he [vacated the title],” pahayag ni Martinez. “But I can tell you that the fight will never happen. For the very least it won’t happen in the next 4-5 years. It won’t happen because it’s not convenient for Golden Boy.”
Pagkatapos na magiba ni Canelo si Amir Khan noong May, binigyan ng deadline ng boxing body ng 15 days sina Alvarez at Golden Boy Promotions para makipag-negosasyon sa kampo ni Golovkin, at kung hindi mangyayari iyon ay tatanggalan ng titulo si Canelo at si GGG ang iluluklok na kampeon.
Binakante ni Canelo ang belt at nagpahayag ang kanyang promoter na si Oscar De La Hoya na, ”they won’t negotiate under a forced deadline.”
Bagama’t tinatanaw ng boxing fans na naduwag ang kampo ni Canelo, naniniwala si Martinez na hindi ganoon ang sitwasyon. Masyadong lang protektado ng kanyang promoter ang kanyang boksingero.
“I feel boxers do want to fight each other,” pahayag ni Martinez . “But what happens is promoters want to protect their boxers, and that’s logical. It seems logical to me.”