Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, aminadong ‘di pa nakamo-move on

00 fact sheet reggeeNOONG nakaraang taon pala pumirma ng kontrata niya sa ABS-CBN si Angel Locsin kaya hindi totoo ang tsikang babalik siya sa GMA 7.

Tinext namin si Angel kung nag-renew na siya ng kontrata niya sa ABS-CBN.

“Hi ate, yup-yup, two years (kontrata) ‘yung pinirmahan ko.”

Hindi kasi nabalitaan o wala kaming matandaang kinober ito ng media, “late last year (pumirma) po,”  sagot ng aktres.

Ano ang bago niyang project sa Dos? “Hindi pa po ako puwedeng magserye kasi po nagpapagaling pa po ako,” sabi ni ‘Gel.

Gagawa raw ng pelikula sa Star Cinema si Angel pero hindi pa niya alam ang titulo at wala pa ring direktor dahil pinag-uusapan pa lang.

Samantala, napanood namin ang interview ni Marie Lozano ng TV Patrol kay Angel tungkol sa tsikang may relasyon ang ex-boyfriend niyang si Luis Manzano kay Jessy Mendiola at mapakla ang ngiti ng dalaga.

At ang sagot ni Angel ng hingan siya ng reaksiyon, “kung sila nga hindi nagre-react, anong ire-react ko?” hirit ng dalaga.

Nasa period of moving on si Angel sa paghihiwalay nila ni Luis at hindi naman daw ganoon kadaling mawala ang nararamdaman niya para sa dating karelasyon kaya kapag may nababalitaan siya tungkol sa aktor ay naaapektuhan pa rin siya.

Sabi ng aktres sa tanong kung naka-move on na siya, “getting there.”

At maski na nakitang nag-uusap noon sina Angel at Luis sa Pilipinas got Talent Season 5 ay hindi pala sila okay, “ngayon, honestly hindi ko alam, ako naman kasi, I always make him to be happy, so kung happy siya, magiging happy na rin ako para sa kanya.

“Ganoon naman ako, hindi ko kayang magtago, sinasabi ko talaga ang nararamdaman ko,” sabi ng aktres.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …