KAYA pala matagal ng hindi napapanood sa Eat Bulaga si Keempee de Leon ay dahil tinanggal na raw siya apat na buwan na ang nakararaan.
Kung wala pang nagtanong kay Keempee na followers niya sa Instagram ay hindi pa malalaman na tsinugi na ang aktor.
Ayon sa post ng anak ni Joey de Leon na may pangalang @Kimpster888, ”wala na po. Tinanggal na po nila ako, mag 4 months na po.”
May sumagot din ng, ”sad to hear tinanggal ka sa eat bulaga? What’s the reaction po of your dad?”
Pero hindi ito sinagot ng aktor.
Samantala, pinasalamatan ni Keempee si Paolo Ballesteros na nagka-trabaho sila sa Eat Bulaga noong naroon pa ang una bago siya sinuspinde.
Sabi ni Keempee, ”nice pao, it was a pleasure and grateful working with you all those years hope to see you back in eb (Eat Bulaga) anytime soonJas for me, waley na, sabi nga nila shonggal nako sa show. ‘Di ko alam kung bakit. Waley memo or explanation. You deserved to be there and be back. They needed you kahit hindi nila aminin. You’re good Pao. Goodluck! God Bless.”
May tinanungan din kaming taga-Eat Bulaga tungkol sa pagkawala ni Keempee, pero wala rin daw silang alam at hindi na rin daw napag-uusapan.
Tinanong namin kung kailan naman babalik si Paolo? ”Wala rin pong advise, parang hindi na.”
Sino ba ang puwedeng sumagot sa isyung ito? Paging Eat Bulaga executives.
FACT SHEET – Reggee Bonoan