NASILIPAN si Miho Nishida sa ginanap na Style Origin Festival fashion show noong Linggo sa Trinoma Mall dahil natanggal ang pagkakabuhol ng strap ng blouse niya.
Marahil ay overwhelmed si Miho paglabas niya ng entablado dahil nga talagang nakabibingi ang mga hiyawan sa kanya kaya nalaman naming sikat na pala siya, Ateng Maricris.
Kaya naman todo bigay si Miho sa pagrampa sa entablado at panay ang kendeng at taas ng kamay plus emote –emote pa, hayun natanggal ang pagkakabuhol ng strap kaya nasilipan ang PBB 737 alumna.
May sumenyas kay Miho kaya inayos niya ng pasimple ang blouse, in fairness hindi siya nakitaan ng pagkabahala.
Hindi namin nakita ang ka-loveteam niyang si Tommy Esguerra sa event.
FACT SHEET – Reggee Bonoan