Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mojack, masaya sa pagiging jester sa The Voice Kids Philippines

00 Alam mo na Nonie“YES po Kuya, enjoy akong sobra and it’s my first time to be a jester sa isang show. Na ako lang mag-isa ang nagpapasaya ng audience during commercial breaks. Kaya enjoy talaga ako,” saad ni Mojack nang makapanayam namin.

Dagdag pa ng masipag at talented na singer/comedian, “Nagulat lang ako kay Direk Alex nang sabihing ako ang magpapakilala sa mga coaches na sina, ‘Lea Salonga-The Broadway Diva, The Philippine Rock Icon-Bamboo and the one and the only Megastar-Ms. Sharon Cuneta…!’ Grabe ang saya at ang kaba nagsama-sama na sa dibdib ko that day. But it’s an honor to do that, another experience and achievement po ito sa akin.

“Mabuti na lang po na si Direk Alex na napakabait sa akin, thumbs-up agad siya after naipakilala ko na ang tatlo. Salamat kay Direk Alex sa pagtitiwala pati sa staff ng The Voice at kay Ate Aileen po.”

Ang tinutukoy ni Mojack ay nang nagsimulang umere ang naturang show na siya ang nag-intro sa tatlong coaches.

Sinabi rin niyang ang mga experience at natutunan niya bilang comedian sa mga sing along at comedy bars ay nagagamit niya ngayon. “Yes po nagagamit ko pati ang kakulitan ko sa entablado, nagagamit ko sa The Voice Kids.

“May mga batang nanonood po sa studio, pero I’m not affraid naman po kasi wholesome naman ako mag-show, no green jokes and no below the belt ‘pag nagpapatawa, hehehe!”

May script ka ba sa The Voice Kids? “Wala po akong script sa pagpapatawa, actual po. Need nila kasi ang natural na komedyante. Ang script, babasahin lang para walang sablay sa pagpapakilala ng coaches. Iyon po, hehehe!”

Ano ang masasabi mo sa tatlong coaches ng The Voice Kids, mga idol mo ba sila?

“Yes po, idol ko silang tatlo. May kanya-kanyang achievements na sila at super icons na talaga ang mga ito. Kaya nga sa sobrang idol ko lalo na kay Megastar Sharon Cuneta, pina-Canton Hair ko na buhok ko para makasigaw na rin ako ng ‘Ay labuyo,’ Hahahaha!” nakatawang biro pa ni Mojack.

Pero, sino ang pinaka-idol mo sa kanilang tatlo? “Si Ms. Lea po, kasi may napatunayan na siya sa local and pati sa international. At super-dooper sa pagka brainy si Ms. Lea.”

Ano ang masasabi mo sa mga blessings na dumarating sa iyo ngayong 2016, kasama na itong pagiging jester mo sa The Voice Kids?

Sagot ni Mojack. “Masaya ako at marami rin akong napapasaya, lalo na ‘pag natupad ko ang pangako ko. Kaya thankful ako this 2016, kasi marami akong naaambunan ng blessings… To God be the glory!”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …