Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Naaliw kami sa Ang Tatay Kong Sexy

NAPANOOD na namin ang pelikulang Ang Tatay Kong Sexy na pinagbibidahan nina Senator Jinggoy Estrada at Maja Salvador na ipapalabas sa June 1. Nagustuhan namin ‘yung pelikula at nag-enjoy kami.

Naaliw kami kay Maja dahil silang beses niya kaming pinatawa. Character at babaeng bakla ang tingin namin sa kanya sa pelikula.

Hindi boring ang nasabing movie at swak ito sa  Father’s Day.

Havey ang mga punchline nila. Kukurot sa ating puso ang pagiging biyudong asawa, ama, at anak ni Sen. Jinggoy. Natural ang pag-arte niya bilang strict na ama ng kanyang mga anak.

Ipinakikita rin ang pagiging maunawain ng isang ama gaya sa aksidenteng nabuntis ang kanyang  panganay at nag-iisang babaeng anak. Bagay kay Empress Schuck ang role niyang nabuntis ni Dominic Roque dahil may baby na rin siya ngayon sa totoong buhay.

Hindi nakadalo sa press preview si Senator Jinggoy dahil hindi pinayagan. Kasalukuyan siyang naka-detain sa PNP Custodial Center ng Camp Crame. SinaBayani Agbayani at Dominic lang ang nakarating. Nasa airport galing Boracay naman si Jolo Estrada na introducing sa pelikula kaya hindi na nakahabol. May taping din si Maja ng Ang Probinsyano kaya hindi nakaalis. Si Empress sa November pa raw lalantad sa showbiz. Matandaan pa kaya siya ng tao sa tagal niyang nawala? Pero baka, hindi pa handa ang katawan niya pagkapanganak kaya hindi pa lumulutang at nagiging aktibo.

Ang hinanap na lang namin ay si Vangie Labalan. Charoz!

Kasama rin sa pelikula sina Maliksi Morales, Nathalie Hart, at Beauty Gonzales. Last movie rin ito ng yumaong Mark Gil. Ito ay sa direksiyon ni Joey Reyes.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …