MAY ilang eksena lang si Ana Capri kay Nora Aunor saPare, Mahal Mo Raw Ako pero hindi niya ito makalilimutan.
“Ang eksena ko with Ate Guy ay about five or six pero happy naman ako. Kinabahan ako kasi ang galing-galing niya at saka parang ano siya, simple pero rock. Nag-o-observe ako sa kanya. She was amazing. Magaling siya, wala akong masabi,”say niya sa amin.
“Para sa estado niya she’s very humble, parang you learn a lot from her. Kapag nandoon ka sa estado na ‘yun lagi kang polite, magalang, po ng po, ganoon, ‘kumusta po’. Nakatutuwa, ‘di ba kasi tayo, ‘kumusta ka ‘pre?’ At saka kahit na simpleng lines pero kapag siya ang nag-deliver parang naisip mo, ‘teka lang, ganoon ba ang pag-deliver?’ ‘Yung parang boses pa lang, ‘di ba? Minsan kahit hindi mo siya pagsalitain mata pa lang niya (umaakting na).
“Basta amazed ako. Ini-enjoy ko siya. Kumbaga sa pagkain lasap na lasap mo siya,” say pa ng magaling na aktres.
UNCUT – Alex Brosas