Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Amain ni Mak-Mak, tumaya sa loteng makapag-aral lang

00 fact sheet reggeeNANGHIHINAYANG kami na hindi namin napanood noong Miyerkoles ang episode ng FPJ’s Ang Probinsyano kung anong nangyari sa sagupaan nina Cardo (Coco Martin)at grupo ng nagtitinda ng baboy na lumusob sa bahay nina Susan Roces.

Napanood namin sa trailer na nagkabugbugan na ang grupo laban kay Cardo at inabutan ni Onyok ng dos por dos ang tatay-tatayan niya para magamit nito.

Tinanong namin kahapon ng umaga ang kasama namin kung anong nangyari at sinabing nakulong ang mga nagtitinda ng baboy at si Glen (Maja Salvador) ay may tama raw sa batok kaya galit na galit ang magulang nito na laging nadadamay kapag may gulo si Cardo.

Samantala, may bagong kasong hahawakan si Cardo ang lumalang loteng sa kanilang komunidad. Sa kagustuhang mapag-aral sa private school si Mak-mak (McNeal Briguela) ay ma-eengganyo si Elmo (Marvin Yap) na tumaya sa loteng maski na labag sa batas at walang kasiguraduhang ligtas.

Ano kaya ang gagawin ni Cardo ‘pag nalaman niyang naging sangkot sa ilegal na transaksiyon si Elmo? Mahuli niya kaya ang lider ng loteng?

Abangan ang maiinit na kaganapan sa FPJ’s Ang Probinsyano gabi-gabi sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …