NAGWALA na naman pala si Baron Geisler. Kumalat ang video niya sa social media where he was captured na nang-aaway sa isang guy. Naging viral ang video at talagang pinag-usapan.
Isang Khalil Verzosa ang nag-post ng video on his Facebook account showing Baron na nakikipag-away sa isang student. Nagmura ang actor, sigaw nang sigaw at galit na galit.
“We had a school prod for an editorial design campaign, we got him to act, pumayag siya, tapos inayos namin yung script, natagalan ng mga ilang oras at since students kami daming ginagawa so we were pressed with time, late nakapagcoordinate kay baron kaya late yung script na nabigay pero as a director, I made sure na morning ko masend na sa kanya at the very least, kasi maikli lang naman. natuloy kami at nagsorry nung dumating siya sa set pero nagpaparinig na siya na sana kasi maaga binigay yung script, so nagsorry pa rin kami kasi alam naman namin na kasalanan namin.
“It’s not right to pick on us, we’re a still student prod, we put our hearts into this production and advocacy, kahit ako pa ang nagwaldas ng pera para lang mabayaran yang TF niya, wala talaga kaming budget at nagkaroon pa ng kaunting aberya. Baron Geisler, wala kang karapatan na mag beastmode, kaya sa tingin ko na dapat kong ipost ito. para makita ng lahat na mali yang ginagawa mo.”
‘Yan ang explanation ni Khalil sa video.
Ang daming naloka sa bagong kontrobersiyang kinasangkutan ni Baron.
May nagsabing bakit kasi siya pa ang kinuha, eh, may attitude problem.
There was one guy na nanghihinayang kay Baron dahil ang galing-galing nitong actor pero tila may problema palagi.
Hindi kaya lasing si Baron nang mag-report sa set? Ano kaya ang kanyang problema? Kung ang pagka-late lang ng script ay napakababaw naman niyon.
UNCUT – Alex Brosas