MARAMI ang nagtataka na parang kulang daw sa ingay ang teleserye niRichard Gutierrez, ang Panday na dating ginampanan ni dating FPJ.
Maganda pa naman daw ang acting ni Chard sa Panday pero parang hindi man lang napag-uusapan dahil puro ang serye ni Coco Martin, ang FPJ’s Ang Probinsyano ang naririnig at sinusubaybayan.
Daniel, panalo muli
TAMA ang hula ng marami na si Daniel Fernando pa rin ang maluluklok bilang vice governor ng Bulacan dahil marami siyang magagandang proyektong nagawa sa lalawigan.
Naging most outstanding vice governor din si Daniel dahil tunay naming ang kapakanan ng kanyang mga nasasakupan ang inaatupad.
SHOWBIG – Vir Gonzales