SURIIN kung ilan ang mga salamin sa inyong bahay para mabatid kung dapat bawasan ang mga ito upang ang chi ay hindi mag-reflect nang pabalik-balik.
Tandaan, ang naglalagablab at maaaring sumabog na chi enery ng south ay lalo lamang magpapatindi ng sitwasyon. Maglagay ng uling sa clay container sa southern part ng inyong bahay, dahil pinakakalma ng soil chi ang fire chi ng south. Gumamit ng yellows, beiges o browns, at soft furnishings sa south, upang mapakalma rin ang fire chi roon.
* Magtanim ng madahon o floppy-leafed plants na magdudulot ng maraming yin, at payapang chi. Ilipat ang mga halamang may matitinik na dahon upang mailayo sila sa mga lugar na kung saan nauupo o nagre-relax ang pamilya.
ni Lady Choi