Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Madalas na pagtulog ni Jen, ikinakabit sa buntis issue

PINAG-UUSAPAN noon sa mga blind item at laman ng bulong-bulungan na nasa interesting stage si Jennylyn Mercado kaya marami ang naghinayang.

May mga usap-usapan pang madalas daw natutulog ang aktres sa shooting ng pelikula nila ni John Lloyd Cruz, ang Just The 3 Of Us na ang location ay sa malayo.

Pero idinepensa ito ng malapit sa aktres na malayo ang biyahe pauwi kaya sa location na lang ito natutulog lalo pa’t minamadali ang shooting para makahabol sa playdate ngayong Miyerkoles, May 4.

Dee Girls, ayaw maikompara sa Mocha Girls at Playmates

ISANG bagong ‘sing and dance’ group ang inilunsad, ang Dee Girls na kinabibilangan ng mga batambata at maliliksing tin-edyer.

Ayaw maihambing ng Dee Girls sa Mocha Girls at Playmates dahil hindi raw sila kumukuha ng mga lalaki sa audience para pagtripan sa entablado.

Kakaiba sila dahil pang-world-class ang kanilang performances mula sa traditional dances mula sa Guam tulad ng Hulas hanggang sa makabagong sayaw na hip-hop. Marami silang pinag-aralang iba’t ibang klase ng sayaw sa buong mundo para saan man sila maimbita ay mayroon silang nakahandang sayaw.

Sila ay hawak ng Jimmy Dee Productions na pag-aari ni Jimmy Dee,  isang multi-talented entertainer, businessman, motivational speaker, philanthropist, at humanitarian na ang pakay sa pagtulong sa ating kababaihan na may talento sa pagsayaw at pagkanta ay para makilala ang husay sa entertainment sa buong mundo. Good luck!

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …