MATABIL
ni John Fontanilla
NAKA-RELATE ang Kapuso actor na si Alden Richards sa pinagdaraanan ng ibang mga estudyante na hirap sa pag-aaral.
Kaya naman willing si Alden na maging ambassador para sa edukasyon dahil naniniwala siya na isa ito sa kanyang mga misyon.
At sa nakalipas na pagdiriwang ng National Teacher’s Day ay isa si Alden sa mga nakisaya sa pagdiriwang
Ayon nga kay Alden, “This is my mission until the day I die.
“Roon sa ginawa kong immersion for GMA Public Affairs, ang dami ko palang katulad ng mission and vision when it comes to education.”
Ikinuwento rin ni Alden ang kanyang adbokasiya na magbigay ng libreng edukasyon sa kanyang mga scholar na 10 taon na rin niyang ginagawa.
Hindi nga nito naiwasang maging emosyonal at maiyak kapag naaalala ang mga struggle ng mga mag-aaral na hindi kayang tustusan ang pag-aaral na minsan na rin niya itong naranasan sa kanyang buhay.
“Alam ko ‘yung feeling na walang pambayad ng tuition.
“Alam ko ‘yung feeling na parang naiiwan ka na kasi ‘yung mga kaklase mong may pera, mga ka-batch mong may pera, naunang mag-college. Ikaw naghihintay.
“If we want change, then we have to be consistent, kung walang gagawa, ako ang gagawa in secret, this is what feeds my soul.”
Dagdag pa ni Alden, “Wala kayong utang na loob ah, sa akin or sa foundation, or kung kanino man.
“Ako naniniwala na ang utang na loob ang pinakamahirap na bayarang utang sa lifetime na ‘to, sa lifetime na ibinigay sa atin ni Lord.
“So, what I tell my scholars is, when the time comes na ready na kayo, kayo naman. That’s my legacy, that’s it, ‘yun na ‘yun.
“That’s how I want to be remembered, na may ginawa ako.”
Isa si Alden sa mga artistang bukas ang palad sa pagtulong sa mga taong kapos sa maraming bagay, kaya naman bini-bless ito at patuloy na kinakapitan ng suwerte.
