Tourism Co-Chair Joel Umali Pena sa Batangas: maging number one tourist destination ng Pilipinas 

Joel Umali Pena Batangas Vilma Santos

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NANUMPA ang Presidente ng Lipa City Tourism Council at CEO ng Big Ben Complex na si Joel Umali Pena bilang Co-Chairperson ng Batangas Tourism Council noong Lunes, September 28 sa Batangas Province Events Center sa Bolbok, Batangas City.

Ang panunumpa ay kasabay ng pagdiriwang ng National Tourism Month at Creative Industries Month. Nanumpa ang mga bagong  opisyal at miyembro ng tatlong vital advisory bodies sa harap ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa Flag Raising Ceremony.

Bago ito, itinalaga ni Gov Santos-Recto si Pena matapos ang pagpupulong na naganap noong Setyembre 21, 2026 sa Sotogrande Hotel sa Bauan, Batangas. Ang pagpupulong ay ukol sa Orientation and Council Framework, Election ng Co-Chairperson, at Plans Moving Forward.

Nanumpa rin noong Sept. 28 ang mga opisyal ng Batangas Tourism Officers Association (BaTOA), sa pangunguna ni Pangulong Elsie Iyas-Sadsad (San Juan). Ang BaTOA ay nagsisilbing mga frontliner na nagtutulak sa mga lokal na destinasyon at pakikipag-ugnayan sa komunidad sa bawat LGU sa Batangas.

Sa kabilang banda, nakausap namin si Pena bago ang panunumpa at naitanong namin dito ang kanyang mga unang gagawin para mapalago ang turismo sa Batangas.

Aniya, nais niyang mapasyalan at ma-experience ang mga natural at man-made attractions sa Batangas ng mga magtutungo rito. “Hindi lang ng mga local tourists, lalo na ng mga visitor from all over the world.

“Gusto ko rin na maging number one tourist destination ang Batangas sa Pilipinas offering natural and man-made attractions and everything under the moon and the sun, for all here. At para rin magkaroon ng best travel experience ang pupunta ng Batangas.”

Ang Tourism tagline/campaign slogan ng Batangas ay All Here So Near. Kumbaga eh napakalapit at narito na ang lahat ng hinahanap ninyo. 

Sinabi ni Pena na nais niyang makilala sa buong mundo ang unique Batangas cuisine kagaya ng iba’t ibang paghahanda sa Taal Lake’s Endemic Fish, Maliputo at Tawilis, Batangas’ Kapeng Barako Liberica, OG experience with Lomi at Gotong Batangas at iba pa. 

“Nais din naming panatilihing maayos at malinis ang aming Taal Lake/Taal Volcano, habang nao-offer itong dalawin ng mga bisita, sa mga town na mayroong dalampasigan at bintanang makikita ang world wonder na ito.

“Mas Malawig na  maipaalam sa buong mundo ang aming mga simbahang Katoliko kagaya ng International Shrine of PADRE PIO, The National Heritage Church in Taal, The Churches in Lipa, nicknamed The Little Rome of the Philippines, the Old Church of Calaca among others…

“And notable, one of the world’s best Diving Sites of Anilao, Mabini, Batangas and Verde Island’s Marine reserve.”

Hindi pa man naitatalagang Tourism Co-Chairperson ng Batangas si Pena aktibo itong tumutulong sa pagpapalawig ng turismo sa Lipa. 

“Madalas kong I-recommend ang Maraming COMMUNITY BASED Trainings, sa mga Tourism Stakeholders, from Department Of Tourism executives and personnel, DENR and other Government and Non Governmental agencies at mag-conduct ng marami at consistent Seminars para sa lahat ng Tourism Stakeholders, to be implemented by the Batangas Provincial Government Unit under our Visionary Head, Governor Vilma Santos Recto.”

Idinagdag pa ni Pena na nais din niyang palakasin ang pagtutulungan at pagkakaisa sa pamamagitan ng pagpapalawig ng communication at mas intensive na dialogues sa mga LGU’s. “Ito ay para mas madali sa magiging tulong ng aming mga Tourism Counterpart from all BATANGAS Towns.”

Sa huli sinabi ni Pena na sobra-sobra ang kanyang pasasalamat na pinagkatiwalaan siya ng mga namumuno sa turismo lalo si Gov. Vilma.

“Sobrang grateful at natutuwa na ako ay pinagkatiwalaan ng mga equally dedicated Batangas Leaders in Tourism, Culture and Arts, and I am so enthusiastic and excited to be working with my Culture, Arts, Tourism “Godmother” Governor Vilma Santos Recto, to promote, let the people of the earth know that BATANGAS Province is worth visiting and living in…” giit pa ni Pena.