PINAGPALANG hapon po Ma’am Fey Guy Ong,
Gusto ko po na i-share ang aking naging karanasan sa pag gamit ng KRYSTALL HERBAL OIL, marami po ang naging tulong sa amin ang oil na iyan. At siyempre po sa gabay ng Panginoon.
Una po, ang apo ko na 3 taon gulang nabangga ng aso namin habang nakatayo sa ika-4 na baitang ng hagdan namin. Ang aso po namin galing sa taas 2nd floor habang tumatakbo, nabangga po ang apo ko at tumilapon sa ground floor at pumutok po ang ulo niya.
Ang bata, sumirit ang dugo, wala po kaming pangpa-doctor noon kaya ginawa ko, binuhusan ko ng Krystall Herbal Oil ang nahiwa na kilay dahil po doon tumigil ang dugo at kusa na lang gumaling. Salamat sa Diyos.
Pangalawa po, ang isang apo ko na 10 y/o ay nadapa na may dala-dalang malaking bote ng Coke na may laman sa may entrance main door ng bahay namin. Nabasag po ang bote at durog na durog, may isang basag na bote na naluhuran ng apo ko kaya po nahiwa ang may parting tuhod niya at natanggalan ng laman. Sumirit po ang dugo at marami at hindi na halos matigil. Naging kalmado lang po ako habang nagdarasal at bigla ko naisip ang Krystall Herbal Oil. Kaya binuhusan ko po. Huminto ang dugo dahil doon tumigil ang pagdurugo. Dinala ko pa rin sa ospital para ipatahi, sabi po ng nag-assist sa amin sa Bernardino Hospital, buti raw tumigil ang pagdurugo. Salamat sa Diyos!
Ang pangatlo po ay ako naman mismo. Nagmamadali ako noon naglalakad sa may gutter sidewalk, may mga bakal po na nakaharang dahil under construction ang sidewalk. Bigla po akong natisod at nasabit ang tsinelas ko sa bakal hanggang sa nadapa ako at sumiksik ang paa ko sa may semento na may bakal. Hindi po ako nakalakad at lumobo ang hinlalaki ng daliri ko sa paa. Sabi ng mga prayer partner dapat daw magpa-anti-tetano ako. Sabi ko ‘wag na kasi sagabal pa iyon sa oras ko, ANNIVERSARY po kasi noon ng chapter namin sa Bagumbong Sta. Krus. Ginawa ko po uli binuhusan ko ng Krystall Herbal Oil. Salamat sa Diyos po gumaling ang paa ko.
Ako po pala si Sis. Marilon.
Salamat po,
MALOU BUTALON
Sta. Krus Chapter,
Bagumbong Caloocan City
Coordinator
