MATABIL
ni John Fontanilla
MAS inspired magtrabaho ang numero unong DJ sa bansa na si Papa Dudut or Renz Jairuz Ricafrente sa totoong buhay para na rin sa future ng kanyang mga anak.
At para paghandaan nga ang future ng kanyang mga anak ay bumibili siya ng mga properties na mamanahin ng mga ito.
Ayon nga kay Papa Dudut nang maka-tsikahan namin, “Lumalaki na mga bata, kaya iniisip na rin namin ni Jem (maybahay ni Papa Dudut) ‘yung future ng kids, kaya naman nag-iisip kami bumili ng properties na mamanahin nila balang araw.”
Dagdag pa nito, “Mayroon kaming in-acquire na property sa San Jose Del Monte, Bulacan (SJDM), isang ‘di kalakihang building with 6 to 8 parking kapag irampa sasakyan, kaya 8 kotse, ipapa-rent namin siya soon.
“’Yung farm naman na nabili namin sa Quezon under development na, nagpapa-hallow blocks na ako para gawing bakod at itong new blessing, nakaswerte lang makakuha ng kausap na maganda ang terms.”
Bukod sa dalawang nabanggit na properties na nabili ni Papa Dudut ay mayroon din itong mga condo.
Mayroon din itong mga negosyo katulad ng Papa Dudut Lechon Manok sa 168 Foodcourt Divisoria Manila, at ang Rangsiman Thai Massage sa Dahlia, Fairview QC. Abala rin si Papa Dudut sa pagkolekta ng paintings for investments.
At this year nga ay balak na rin nilang magkaroon ng isa pang baby ni Jem, lalo’t dalawang taon na ang kanyang kambal, sina Jian at Jiana.
“Recently nag-undergo kami ng IVF kaya lang hindi lang kumapit pero mag-undergo pa rin kami kasi gusto pa namin ng bunso.”
Isa nga sa iniisip nila kaya ‘di kumapit ang embryo ay dahil may cyst ang kanyang maybahay. “May cyst si Jem baka magpa-tsek-up ulet and for removal if confirm possible reason kaya ‘di kumapit ‘yung embryo.”
Sa ngayon ay abala si Papa Dudut sa promotion ng pagsasa-telebisyon ng kanyang number one program sa radio, ang Barangay Love Stories.
“Medyo abala ako ngayon dahil malapit nang mapanood ‘yung new show natin sa GMA sa September 12, ang ‘Barangay Love Stories’ nasa TV na.
“Hatid namin ang mga kuwentong puno ng buhay, pag-ibig, pagsubok, at pag-asa.
“Sana lang maganda ‘yung pagtanggap ng mga manonood para magkaroon ng season 2.”
Kaya naman mga Kapuso at Kabarangay tutok na sa September 12 at manoodng Barangay Love Stories sa GMA 7.
