I-FLEX
ni Jun Nardo
TAGUMPAY din ang pagsabak sa recording ng Sparkle artist na si Will Ashley!
Aba, ang debut single ni Will na Paborito na komposisyon niya with Maki ay naging number 1 sa ITunes Philippines.
Bahagi ang kanta sa una niyang album na Liham na magkakaroon ng launching sa September 20 sa SM North Edsa Skydome.
Mapapanood din si Will sa series na Delivery Boi wih Mika Salamanca, Vince Maristela, Mikoy Morales, at Gio Alvarez.
Kasama rin siya sa GMA Pictures’ 2026 MMFF Entry, Amir.
