Paborito ni Will Ashley para sa isang espesyal na tao

MATABIL
ni John Fontanilla

INSPIRED ngayon ang Kapuso actor at  isa na ring recording artist na si Will Ashley.

Sa guesting nito noong Linggo (Aug. 23) sa Sunday All Stars para sa promotion ng kanyang first single na Paborito na siya ang nag-compose at para sa unang album niyang Liham, ay inamin nitong inspired siya, pero ‘di nito pinangalanan kung sino ang inspirasyon niya.

Ayon nga kay Will, “Ahhh oo, oo inspired ako, alam niyo na ‘yun sa atin na lang.”

Natanong din ito kung ano ba ang paborito niyang PBB moments.

Marami eh. Siguro favorite ko ‘yung big night. Kasi roon ko nakita ‘yung family ko, ‘yung friends ko at ‘yung mga taong nagsu-support, nakatutuwa kasi after 118 days ‘di ba,” sagot ni Will.

At sa tanong kung para kanino ang kantang Paborito sinabi ni Will na para ito sa isang taong espesyal sa kanya at naisulat niya ito noong masaya siya.

Itong kanta kong ‘Paborito’ siyempre para sa isang tao na espesyal para sa akin.

“isinulat ko talaga itong song na ito noong happy ako,” sabi pa ni Will.