Astrid Lee pangarap maging beauty queen
HARD TALK
ni Pilar Mateo
BACK-TO-BACK mediacon ang naihain ng VMX para sa mga bagong istoryang aabangan na mag-i-stream sa ika-17 ng Hulyo, 2026.
Ang Lunok ng nagsimulang premyadong cinematographer na si Rain Yamson na nakapagdiehe na rin ng ilang pelikula.
Sa pagkakataong ito, GL ang tema ng istorya na pinagbibidahan ni Astrid Lee.
Cute and petite si Astrid. Pinangarap niya sa isang punto ng buhay niya na maging beauty queen pero nawalan siya ng lakas ng loob dahil alam niyang kulang siya sa height.
Pinanghinaan na ng loob wala pa man. Kaya nang nakakita ng puwang sa pagpapa-sexy sa pelikula eh, siya na nga.
Sabi ni Direk Rain, mga kamag-anak, kaibigan, at kakilala ang nagbigay-inspirasyon sa kanya para makagawa ng ganitong genre ng pelikula.
“From my relatives, aunts and my cousin (Ice Seguerra). Napag-uusapan din in some ways. Talagang up to now, close kamini Ice. There was a time na parang nag-collab na kami in a project. And when we have the time, napag-uusapan naman namin ang mga trabahong pareho na naming ginagawa. But to have him in a project like this eh, parang malayo pa sa pwede naming magawa.”
Angkas at Backride ang matatandaan sa mga nauna niyang ginawa.
Ibang hamon naman itong Lunok sa pagdidirihe niya.
Ang ka-back-to-back na presscon ng Lunok ng VMX ay ang Bagong Tukso 2 na tampok sina Akira Takamura at Angel Castro.
Kung ano ang pagka-neneng ni Akira sa dating niya eh siya namang palaban ng Angel.
Pagrampa pa lang kasi ni Angel napansin na, na ang sabi nga niya eh obvious sa tanong kung may ipinabago siya sa katawan niya.
Ang kay laking balakang na may kurbada naman. Jokingly, 32 daw ang boobies niya.
Showbiz royalty nga na maituturing si Angel. Lolo at Lola niya ang masasabing haligi ng pamamahayag na sina Angelo Castro Jr. At June Keithley. At ang mga magulang niya ay sina Diego Castro at Raven Villanueva na naging mga artista rin.
May bubog si Angel nang sabihing hindi sila close ng ina at matagal nang hindi nag-uusap. Mas may communication sila ng kanyang ama.
Inamin din nito na may diperensya ang kanyang mata na muntik na niyang ikabulag kaya hindi niya matingnan ang kausap at binubulag ng mga ilaw sa harap niya.
A tribute to the LGBTQIA+. And a story of women empowerment.
Sila naman ang babalandra sa naiiba na namang mga istorya!
