Saturday , June 20 2026
Rhen Escano Joseph Marco My Husband Is A Mafia Boss

Rhen Escaño maraming natutunan kay Joseph Marco

MATABIL
ni John Fontanilla

AMINADO si Rhen Escaño na marami siyang natutunan sa  pagsasama nila ni Joseph Marco sa number one series ng Viva One, ang My Husband is a Mafia Boss na idinirehe ni Fifth Solomon.

Ayon kay Rhen sa ginanap na mid-presscon ng My Husband is a Mafia Boss, “Ako ‘yung tipo ng tao na minsan immature sa pagha-handle ng mga bagay-bagay, as in lagi nauuna ‘yung emotions ko talaga kaysa utak ko.”

Dagdag pa nito, “And ‘yung nakilala ko si Joseph at dito sa buong project na ito, ang dami ko talagang pinagdaanan.

“In a span of four or five months ang dami kong pinagdaanan, naging dahilan si Joseph kung bakit ako nag-mature sa pag-handle ng mga bagay-bagay.

“Naging honest ako talaga, ako na dati ganito ako, pero ngayon dahil nandyan siya gina-guide niya ako, tinuturuan niya ako. Sinasabi niya na ‘ito ang gawin mo, ‘wag mong gawin ‘yan.’

“So parang naging mature ako kung paano ko na hina-handle ‘yung mga bagay-bagay,”’wika pa ni Rhen.

At sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang series, nalulungkot si Rhen dahil masyado na siyang na-attach sa mga nakatrabaho niya sa series kasama na nga si Marco.

Wish nina Marco at Rhen na magkaroon ng season 2 na ‘di naman malabo dahil super hit nga at talaga namang tinututukan ng lahat ang My Husband is a Mafia Boss.

At kung bibigyan sila ng bonus ng Viva sa tagumpay ng kanilang series hindi pera ang gusto ni Rhen, kunddi season two ng MHIAMB at maraming proyekto.

Kaya naman ‘wag na pahuhuli at sumabay na sa kilig na hatid nina Zeke at Aemei sa My Husband is a Mafia Boss at manood sa Viva One.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Cecille Bravo

Philanthropist Cecille Bravo pinarangalan bilang Outstanding Mother

MATABILni John Fontanilla ISA sanpinarangalan sa Top 20 Outstanding and Exceptional Mothers for Mother of the …

Sanya Lopez Car

Mamahaling kotse regalo ni Sanya sa sarili

MATABILni John Fontanilla ISANG mamahaling sasakyan ang regalo ni Sanya Lopez sa kanyang sarili para sa 27th …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

Sold Out! Tiket sa Puregold OPM Con Generations 2026

OPISYAL na: Sold outang Puregold OPM Con Generations 2026! Sa dami ng mga tagasuportang nag-agawan para …

Ryzza Mae Dizon Bimby Aquino

Ryzza Mae at Bimby swak na loveteam, Dabarkads kinilig, nagkagulo

MATABILni John Fontanilla MARAMI ang kinilig sa muling pagkikita ng magkaibigan, magkalaro, at nagkasama sa …

Louie Ignacio Pura Luka Vega

Direk Louie ‘di nagustuhan ginawa ni Pura Vega

MATABILni John Fontanilla HINDI naibigan ni direk Louie Ignacio ang bagong pakulo ng Drag Artist na si  Pura …