Thursday , June 11 2026
Andrew E

Rap icon na si Andrew E., pararangalan bilang Lifetime Achievement Award sa 17th PMPC Star Awards for Music

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISA na namang dagdag na karangalan para sa King of Pinoy Rap na si Andrew E., ang igagawad sa kanya sa gaganaping 17th PMPC Star Awards for Music.

Ang iconic na master rapper ay pagkakalooban  ng Pilita Corrales Lifetime Achievement Award 

na gaganapin sa Teatrino, Greenhills, San Juan City sa June 25, 2026.

Si Andrew E., ay nanalo ng Rap Album of the Year para sa kanyang “Club Zilla” album sa 2nd Star Awards for Music noong 2010.

Nagsimula ang showbiz career ni Andrew higit tatlong dekada na ang nakaraan at hanggang ngayon ay nananatiling maningning ang kanyang bituin sa mundo ng showbiz.

Kilala bilang isang icon si Andrew E., sa larangan ng entertainment. Mula sa pagiging rapper ay nakagawa siya ng maraming pelikula at lahat ito ay nagsimula via his monster hit song na “Humanap Ka Ng Pangit”.

Although maraming pumutok na kanta si Andrew gaya ng Huwag Kang Gamol, Binibirocha, Banyo Queen, Stupid Love, Alabang Girls, Andrew Ford Medina, at marami pang iba, ang kantang Humanap Ka Ng Pangit ang tila nagtakda ng destiny ni Andrew para magmarka nang husto sa showbiz world.

Nagpasalamat sa kanyang social media account ang mister ni Ms. Mylene Yap Espiritu para sa naturang parangal.

“So deeply honoured being appreciated by both movie press and social press alike, as I bend with utmost thankfulness and acknowledgement, things that keep me going and achieving more in the rap music scene. All these I truly appreciate.”

Kasamang pararangalan ni Andrew sina 

Ms. Celeste Legaspi para sa Pilita Corrales Lifetime Achievement Award, at Mon del Rosario na gagawaran  ng Parangal Levi Celerio Lifetime Achievement Award — bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa larangan ng musika sa bansa.

Makakatuwang ng PMPC Star Awards Inc., sa pag-organisa ng 17th Star Awards for Music ang Echo Jham Entertainment Production na pinamumunuan ni Mhae Sarenas. Si Calvin Neria ang magdidirek ng naturang awards night.

Sa  pangunguna ng Pangulo ng PMPC Star Awards Inc., na si Fernan de Guzman at ng Overall Chairman ng 17th Star Awards for Music na si Mell Navarro, kasama ang mga opisyal at miyembro ng grupo, tiniyak nilang magiging maganda at maningning ang awards night sa tulong ng Echo Jham.

Incidentally, inaabangan na nang marami ang gaganaping concert sa Amerika ng astig na rapper na pinamagatang “Andrew E. Live in Arizona”.  Ito’y magaganap sa August 14, 2026 sa Royal Palace Event Venue sa 1915 W Thunderbird Rd. Phx, AZ 85029. 

Special guest dito ni Andrew E. ang talented na singer, composer, at comedian na si Mojack. Kasama rin dito sina Jawtee, Sixth Threat, Budz & Proy, at si Alvin Caraveo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

BB Gandanghari Iloilo

BB Gandanghari at iba pang celebs bumisita sa Iloilo Terminal Market; Public Markets umuusbong na Tourist destination

BUKOD sa pagpapabuti ng kalagayan at karanasan ng mga nagtitinda at mamimili, nakatulong din ang …

Ellen Adarna John Lloyd Cruz Isabel Santos

Ellen mas madalas ka-bonding si JLC

I-FLEXni Jun Nardo MALABO na nga sigurong magkabalikan ang dating couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay. …

Heart Evangelista John Prats Teka Lang

Heart, John naghatid ng kilig sa Teka Lang music video

I-FLEXni Jun Nardo GOOD vibes ang dating ng muling pagsasama ng former lovers na sina Heart …

Yasmien Kurdi

Yasmien natapos 1st semester sa Law

MATABILni John Fontanilla MASAYANG nag-celebrate si Yasmien Kurdi sa pagkompleto ng kanyang first year sa law school. …

Roderick Paulate

Roderick Paulate gusto nang mag-asawa

MATABILni John Fontanilla SA edad 66, single at patuloy pa ring umaasa at naghahangad na …