MATABIL
ni John Fontanilla
MALA-KOREAN actor ang dating ng alaga ng kaibigang Jann Vicente na si Max Passion, sa hitsura at mala-skin glass nitong kutis ‘di mo siya mapagkakamalang Filipino actor.
Ayon nga kay Max ang awardwinning actor na Joshua Garcia ang paborito nitong aktor dahil sa galing at napaka-natural nitong umarte.
“Si Joshua Garcia po ang paborito at hinahangaan kong aktor dahil po sa
mahusay niyang performance sa mga pelikula at teleseryeng ginagawa niya.
“At saka I always feel connected and related to the story or the character he portrays, ganoon po siya kagaling, his acting feels natural, ang galing-galing walang ka-effort effort.
“At pagkatapos ng panonood sa mga
eksena niya, sobrang napabilib talaga ako, kahit ako nadadala sa mga eksena.”
Dagdag pa nito, “Dahil sa kanya nagustuhan ko na ring subukan ang pag-aartista dahil gusto ko rin na ako naman ang mapanood nina mama.”
Habang ang Kapuso Teen Star naman na si Caprice Cayetano ang fave actress nito.
“Si Caprice Cayetano nanan po ang paborito kong actress because she is talented, charming, and very natural din when she acts.
“I enjoy watching her performances because she makes every role feel real and entertaining.”
Kuwento pa nito kung bakit niya inidolo si Caprice, “One of the reasons po why Caprice became my favorite actress is because ever since I was a kid, pinanonood ko na siya sa mga GMA show na kasama siya.
“Back then, I was already amazed at how she could act so naturally at such a young age. Her performances never felt forced, which made me admire her even more.
“I also like her simple personality, and what makes her even more interesting to me is that she’s the type of girl who can unexpectedly surprise people and keep them interested.”
Wish ni Max na in the future ay makatrabaho niya sa pelikula at teleserye sina Joshua at Caprice.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com