MATABIL
ni John Fontanilla
SASABAK na rin sa pag-arte at recording scene ang ilang beauty queens na nasa pangangalaga ng ALV Talents Circuit Inc. sa pagpirma ng mga ito ng kontrata sa Viva Artists Agency.
Sa naganap na contract signing ng partnership ng VAA at ALV Talents Circuit Inc., present ang mga big boss ng dalawa sa pinaka-malaking talent agency sa bansa na sina Vicent Del Rosario at Veronique Corpuz ng Viva at Arnold Vegafria ng ALV ay sanib-puwersa ang mga ito para maka-create ng malaking bituin sa yapak nina Anne Curtis, Sharon Cuneta, Vina Morales, Nadine Lustre, Sarah Geronimo atbp..
Labindalawang ALV Queens ang first batch na pumirma sa VAA tulad ng Zia Ainhize Arboleda, Nikki Buenafe, Meridith Bobadilla, Beatriz Angela Ocampo, Tracy Maureen Perez, MJ Suarez, Carla Jane Torcido, Erika Marie Davis, Keylyn Pan Trajano, Alyssa Geronimo, at Margarette Briton.
Ilan sa mga ito ang umaasang mararating nila ang kasikatang naabot ng kanilang idolo na nanggaling sa Viva Talent Agency.
Ayon kay Erika Marie, 17 taong gulang pa lang ay nasa showbiz na at ngayon ay regular na napapanood sa Bubble Gang at umaasang maaabot ang kasikatan ng kanyang idolong si Ruffa Mae Quinto at maging isang mahusay na komedyante.
Habang siZia Ainhize na ipinanganak at lumaki sa Barcelona, Spain ay gustong maging recording artist at magkaroon ng album at hit song katulad ng kanyang idolo na si Sarah Geronimo.
Katulad ni Zia, ang yapak din ni Sarah bilang magaling na singer at performer ang gustong sundan ni Alyssa at maging biggest star ng kanyang henerasyon.
Ang makilala naman sa pag-arte katulad ng kanyang idolong si Vina Morales ang gustong sundan ni Margarette.
Sa sanib-puwersa ng Viva Artist Center at ALV Talents Circuit, umaasa ang mga beauty queen na matutupad ang kanilang mga pangarap na sumikat.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com