Thursday , June 4 2026
Rabin Angeles Angela Muji Sharon Cuneta Robin Padilla

RabGel gustong makasama Robin at Sharon

HARD TALK
ni Pilar Mateo

KINAKIKITAAN ng potensiyal na magtatagal ang tambalang pinaiinit ngayon ng Viva One dahil na rin sa sunod-sunod nilang mga proyekto na sila ang magkatambal.

Ito ang RabGel o sina Rabin Angeles at Angela Muji.

Simula May 15, 2026 apat na istorya sa serye ng anthology ang ihahain sa mga manonood.

Sinisiguro naman ng Viva One Originals na hindi bibitawan ng mga manonood ang ihahaing mga istorya na kapananabikan.

Apat na istorya: Ang Rider Kong Hoodlum, Same Day Error, My CEO Thinks I’m A Robot, at Us, Maybe.

Si Rabin, nakasama si Gerald  Napoles sa Hoodlum. Naaliw ang media sa tinuran ni Rabin sa nasabing advice sa kanya ni Gerald. 

Na galingan pa niya ang pinasok na mundo. “Dahil uso ‘yang look mo na ‘yan!” sabi sa kanya ni Gerald.

Tried and tested na kung tutuusin ang naging kemistri ng RabGel sa mga unang proyektong pinagsamahan nila. At sa may halos isang taon na nilang pinagsamahan, mayroon naman nang closeness at special friendship na nabuo sa kanila.

Dahil sobrang kampante at komportable na nila sa isa’t isa. Na kapag may mga problema na silang kinakaharap o hindi pagkakasundo at pagkakaintindihan eh, malaya nilang nasasabi ng deretsahan na hindi na nila kinakailangang idaan o sabihin pa sa ibang mga tao.

Pero tila malabo pa ang inaasahang aminin nila na romantiko na ang pagtitinginan nila.

Nothing to hide. Nothing to admit. Nothing to deny. Sweet kung sweet. Close kung close. Ganoon lang. Muna! 

Focused ang dalawa sa career nila. On the same page. Looking at the same path na gustong makamtan.

At tanggap din na hindi naman all the time na sila ang magkasama sa proyekto.

Para kay Angela, mararamdaman pa rin niya ang kawalan ni Rabin pero alam niyang may mga bagay o pagkakataon na darating sila sa punto na ‘yun. Na sa iba isasama. 

On and off cam naman daw eh, wala namang iba sa kanila. 

Ang isang pangarap ni Rabin na magampanan eh, ang local version  ng The Grudge.

Samantalang ang tinatawag niyang kawangki ni Sadako naman na si Angela eh nais na makagawa ng mga horror film. ‘Yung mala-paranornal na may exorcism.

Papipiliin ng mga gusto nila makasama sa isang proyekto. Happy na si Angela kung may Sharon Cuneta at Nadine Lustre.

Si Rabin, idol si Robin Padilla. Pati si Dennis Trillo, at Julia Barretto.

Drama. Aksiyon. At kakayanin ni Rabin ang comedy kahit hirap na hirap siya.

Itong dalawa na ‘to. Sila na nga ang uso! 

At ang lakas na magpa-kilig! 

Kaya itong dalawang ‘to- malakas na aariba. Dahil may arrive!  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …