Heart Evangelista

Heart hinimatay sa fashion show sa Milan

I-FLEX
ni Jun Nardo

ANG kalusugan naman niya ang  bibigyang-pansin ng global fashion icon na si Heart Evangelista.

Sa isang post, naisiwalat ni Heart na nag-black out siya sa sinalihang fashion week sa Milan kung hindi kami nagkakamali.

Dala ng pagod ang pag-black out ni Heart dahil sa pagod dala ng sunod-sunod na pagrampa.

In case nakalimutan ninyo, madaling-araw  pa lang bago ang event eh gising na si Heart. Nasaksihan ng kanyang ina ang kapaguran ng anak sa fashion week nang samahan si Heart.

Kaya naman hinay-hinay muna si Heart at dito muna siya sa bansa upang ayusin ang ilan niyang advocacies.