Honorica, Target ang SEA Games; Humihiling ng Mas Matibay na Suporta Matapos ang Record-Breaking na Performance sa Asian Tilt
ANG pinakabagong record-holder ng Philippine cycling na si Zedrick Ivan Honorica ay nakatuon ngayon sa mas malalaking internasyonal na kompetisyon, kabilang ang Southeast Asian (SEA) Games, habang nananawagan ng mas matibay na suporta kasunod ng kanyang makasaysayang pagganap sa Asian Track Cycling Championships na ginanap sa Tagaytay Velodrome.
Inukit ni Honorica ang kanyang pangalan sa kasaysayan matapos magtala ng 10.865 segundo sa menโs elite flying 200-meter sprintโisang bagong pambansang rekordโna nagpapakita ng kanyang husay bilang isa sa mga pinaka-promising na track cyclists ng bansa.
Higit pa sa kanyang mga nakamit na numero, ang kwento ng 21-anyos na atleta ay sumasalamin sa matinding tiyaga at determinasyon. Mula sa pagiging Food Panda delivery rider habang nagsasanay sa limitadong resources, ang kanyang pag-angat ay bunga hindi lamang ng sariling pagsisikap kundi pati ng suporta mula sa mga taong naniwala sa kanyang kakayahan.
Isa sa mga naging mahalagang haligi ng kanyang tagumpay ay si Dr. Norman Afable, founder at general manager ng Energy Healthasia by Dr. Odsman, na sumuporta kay Honorica mula pa noong siya ay nag-aaral sa Pamantasan ng Marikina.
Ayon kay Afable, โNaging estudyante ko siyaโmasipag at determinado. Bilang dating atleta, nais din nating tumulong. Hindi naman tayo nabigo dahil nakagawa siya ng kasaysayan sa cycling.โ
Malaki ang naging papel ng suportang ito sa patuloy na paghubog ng kakayahan ni Honorica, lalo na sa panahong kapos siya sa kagamitan at pondo. Ibinahagi rin ni Honorica ang kanyang pasasalamat sa mga tumulong sa kanya sa simula pa lamang ng kanyang karera.
โMalaking bagay po ang mga naniwala at sumuporta sa akin. Si Dr. Norman, hindi ako pinabayaan,โ ani Honorica.
Mula sa paggamit ng simpleng bisikleta na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P14,000โmalayo sa high-end equipment ng kanyang mga karibal mula sa ibang bansaโnabigyan siya ni Afable ng mas maayos na kagamitan at isang personal trainer sa katauhan ng dating national team member na si Perjuval Gerdino.
Sa kabila ng kanyang record-breaking na performance, hindi pa rin siya nakapasok sa podium, na nagpapakita ng umiiral na agwat sa pagitan ng mga Pilipinong siklista at ng mas well-equipped na mga banyagang atleta. Binigyang-diin ni Honorica ang pangangailangan ng mas sistematikong training programs, world-class equipment, at tuloy-tuloy na pondo upang mapalakas ang kompetitibong kakayahan ng mga lokal na atleta.
Sa kasalukuyan, determinado si Honorica na pagbutihin pa ang kanyang performance sa mga susunod na internasyonal na laban at makamit ang inaasam na medalya. Ang programa ay itnataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine, at Pocari Sweat.
Ayon kay Afable, โMalapit na ang oras ni Zedrick sa SEA Games gold medal. Target namin na maabot o malampasan ang rekord ng Malaysian na si Anwar.โ
Ang kwento ni Honoricaโna hinubog ng katatagan, suporta, at hindi pa lubos na natutuklasang potensyalโay nagsisilbing inspirasyon at paalala na sa tamang suporta, kayang makipagsabayan at magtagumpay ng mga atletang Pilipino sa pandaigdigang entablado. (HNT)
