Wednesday , June 24 2026
Piolo Pascual Manilas Finest Ashtine Olviga

Manila’s Finest ni Piolo kaabang-abang

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

KAABANG-ABANG ang Manila’s Finest.

Isa nga ito sa mga Metro Manila Film Festival entries na dapat abangan dahil mukhang kakaibang kuwento ito ng mga pulisya in a certain period of time (70’s).

Base sa mga teaser at reels na napapanood namin sa TV5 at iba pang Cignal channels (dahil prodyus ito ng sister film outfit nila), nakaiintriga ‘yung mga scene na parang naging mga lumang police officials sina Piolo Pascual, Enrique Gil, Dylan Menor at iba pa nilang kasama.

Sa isang interview din ay narinig naming na-impress si Piolo sa newcomer na si Ashtine Olviga na gumaganap na anak ng aktor.

Ayon kay Piolo, “I find her to be very focused and determined. It’s nice to be working with her.”

Si direk Rae Red ang nasa likod ng produksiyon at ipinagmamalaki nito bilang isang period piece ang movie. Very challenging ang maipakita thru film ang mga exciting incident, the drama and action noong 70’s sa mga police in Manila.

May this help our generation today to see both the good and bad things about some issues that still affect us today, lalo na ‘yung impressions, beliefs, values and the like sa ating mga pulisya and the system of peace and order at bilang mga human din sila,” habol pa ni direk Rae.

Hmmm, exciting naman talaga. At saka hello, ‘yung makita lang namin in police uniform sina papa P, Enrique, tsong Joey Marquez, Dylan, Cedric Juan at iba pa ay bongga.

Kasama rin sa cast ng Manila’s Finest sina Romnick Sarmenta, Rica Peralejo-Bonifacio (comeback movie of sort niya rin ito), Kiko Estrada, Jasmine Curtis -Smithat marami pang iba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …