Angeline Quinto Ang Happy Homes ni Diane Hilario

Angeline Quinto mahusay sa Happy Homes 

MATABIL
ni John Fontanilla

MULA sa pagiging singer at aktres ay producer na rin si Angeline Quinto via Ang Happy Homes  ni Diane Hilario.

Isa itong drama-thriller movie na pinagbibidahan din ni Angeline kasama sina Eugene Domingo, Luis Alandy, Paolo Contis, at Richard Yap sa direksiyon ni Marlon Rivera (ng Babae sa Septic Tank).

 Ang Ang Happy Homes ni Diane Hilario ay tungkol  sa mga tenant at kapitbahay sa isang tenement building, na may mga misteryosong patayan na nangyayari sa loob. 

Maganda ang movie at mahusay si Angeline maging ang mga kasama sa pelikula, 

maganda rin ang rapport nila ni Eugene. 

Kaya naman watch na kayo bukas, December 3, 2025 sa mga sinehan nationwide.