Wednesday , December 10 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jackstone 5

Arnell at Eric nag-away sa isang lalaki

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGBABALIK-PELIKULA si Arnell Ignacio na matagal-tagal ding namahinga sa pag-arte. Isa sa bibida sa pelikulang Jackstone 5 na hatid ng Apec Creative Productions Inc., si Arnell na idinirehe ni Joel Lamangan.

Ayon kay Arnell, sana ay masundan pa ng maraming pelikula ang Jackstone 5.

I really hope so, masarap talagang umarte lalo na’t napakasaya ng environment. Ito ‘yung trabaho na ‘di mo na iisipin, ay may sahod pala.”

Dagdag pa nito, “It’s a blessing na pagkakataon na mabigyan ka bilang artista na gawin mo ‘yung trabaho mo bilang artista. Kasi ang saya-saya at ang dami mong natututunan. Mai-immortalize pa ‘yung ginawa mo dahil pelikula, abo na ako andyan pa rin ang pelikula.”

Sa pelikula nga ay nag-aaway sila ni Eric Quizon sa isang lalaki na ginagampan ni Abed Green na ang ending ay si direk Joel ang nagwagi.

Ayon nga ang nakatatawa kasi halos buong pelikula kaming dalawa (Eric)  ang nag-aaway, pinag aawayan namin si Abed.

“Pero ang ending talaga sa kanya lang mapupunta (direk Joel). Sa likod ng bato namin nahuli, kaya lost kaming dalawa ni Eric.”

Kasama rin sa pelikula sina Gardo Versoza,  Jim Pebanco, at Joel Lamangan. With Abed Green, Rico Barrera, Jhon Mark Marcia, Prince Clemente, Marcus Madrigal, at Elora Españo.

Iikot ang istorya sa limang bading na magkakaibigan na pare-perong OFW na magbabalik-tanaw sa kanilang pagkakaibigan years, years back. Mga kuwento ng kanilang naging buhay bilang OFW at mga naging conflict nila sa isa’t isa atbp..

Base na rin sa napanood naming trailer ng pelikula nakatatawa ang movie, mahuhusay ang cast at maganda ang mensahe na ukol sa pagkakaibigan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Kean Cipriano

Kian suportado pagpasa Divorce Bill

MATABILni John Fontanilla GUSTONG makapasa ni Kean Cipriano ang Divorce Bill para mabigyang kalayaan ang mga taong naiipit o …

Will Ashley Dustin Yu

Will Ashley hindi nakikipag-kompitensiya kay Dustin Yu

MATABILni John Fontanilla HINDI kalaban ang turing ni Will Ashley sa kanyang co-PBB Collab 2.0 na si Dustin Yu. …

Angelica papalakpakan sa Unmarry

I-FLEXni Jun Nardo WALA namang violent reaction ang asawa ni Angelica Pangiban nang sabihin nito ang offer …

Unang Hirit

Isang linggong sorpresa inihatid ng UH

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGANG mga sorpresa ang hatid ng Unang Hirit para sa masayang week-long anniversary …

Odette Khan Bar Boys 2, After School

Ms Odette Khan binigyan bonggang pagpapahalaga sa Bar Boys 2

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAIYAK kami sa tila mala-tribute na pag-welcome kay Ms Odette Khan ng buong …