Thursday , June 4 2026
Ryza Cenon family

Ryza Cenon babu na sa pagpapaseksi 

MATABIL
ni John Fontanilla

WALA ng balak gumawa ng proyektong nangangailangan ng seksing eksena  si Ryza Cenon dahil na rin sa lumalaki na ang kanyang anak na si Night  at baka raw ma-bully ito sa school.

“No sexy muna, no kissing scene kasi like po niyong may ginawa ako sa Viva One kasama ko sina Carlo Aquino, Pauleen nandoon siya sa pictorial (Night) nakita ko inaaway niya si Carlo kasi medyo close kami, ayaw niya ng ganoon, medyo protective ang anak ko. 

“Kaya sobrang pili po ng kinukuha kong project dahil lagi ko siya kasama, nakikita niya ‘yung ginagawa ko,” esplika ni Ryza. 

 Dagdag pa nito, “At saka baka ‘pag gumawa ako ng sexy na eksena tapos mapanood ng mga kaklase niya, baka ma-bully siya. Sa kanya (Night) madali ko ma-explain sasabihin ko na work lang ‘yun.

“Pero sa mga kaklase niya hindi. Kaya mas okey na ‘di na lang ako gagawa ng proyekto na mga sexy,” giit pa ng aktres. 

Kaya ngayon ay mapili siya sa pagtanggap ng proyekto para na rin sa kanyang anak at dito nga sa VMB(Viva Movie Box) ang project ni Ryza ay ang Inagaw na Anak.

Ginagampanan ni Ryza sa Inagaw na Anak ang ina na inagawan ng anak. Makakasama niya ang award winning child star na si Althea Ruedas sa direksiyon ni Christian Lat.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …