Wednesday , December 10 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Will Ashley

Will Ashley kakasuhan mga basher

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGPUPUYOS sa galit ang tinaguriang Nation’s Son at Kapuso actor na si Will Ashley sa mga taong walang magawa at nagagawang magpadala ng hate messages na ang iba ay below the belt na.

Na kahit ang kanyang mahal na mahal na ina ay idinadamay na. Kaya naman balak nitong sampahan ng kaso ang mga taong naninira sa kanya.

 Ayon kay Will, “I’ve been getting a lot of messages saying they hope my mom dies. Bakit umabot tayo sa ganyan? Last week lang, nagkaroon ng online reflection about bullying and mental health, tapos lumala this week? 

“We are just doing our job, working for our craft, our art – bakit kailangan itapon natin ang morality? O baka sadyang masama lang talaga kayong tao and can’t wait to wish ill on others. Wala kaming ninanakaw, wala kaming sinasaktan o tinatapakan, lalo na ang pamilya ko. Save your outrage for people who are doing evil, not people who are just making art.”

Ipinakita rin nito ang ilang messages na natatanggap niya . “Mamamatay Ka Na,” Hayop,” at “Pangit ng Nanay mo.”

Dagdag pa ni Will, “Also, my friends know better than you. Bakit sila nadadamay? Pati support system who keep us afloat and are there during the private moments of our lives, nada-drag ng walang dahilan. 

“And this isn’t just happening to me, pati sa ibang housemates. We built a strong bond in the house, hindi n’yo ito masisira. Not everything we do is a calculated PR move, we are humans too. 

“Four months kaming magkakasama, supporting each other every day through some of the toughest days of our lives, so obviously close talaga kami. Sana all the fans, including the very few of mine na gumagawa nito, let’s tone it down please. Lahat kami we are just working for our dreams. Lahat kami mahal ang trabaho namin.”

Kumausap na ng lawyer ang aktor para malaman kung anong legal complaints ang puwede niyang gawin.

I am consulting now for legal options in case this doesn’t stop. I don’t want to tolerate this hate anymore na ibinabato n’yo sa kahit sino. Not me, not my friends and especially not my family. This is not a good use of our limited time on earth. Sana use your time to spread love, positivity and support. 

“Lastly, thank you to my fans who fight for me kahit minsan mahirap. Maraming salamat sa pagsama pa rin sa akin sa journey ko, kayo ang lakas ko. Know I appreciate you all and mahal ko kayong lahat,” ani Will.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Angeline Quinto Ang Happy Homes ni Diane Hilario

Angeline tinutukan kapatid na naligaw ng landas

RATED Rni Rommel Gonzales MABAIT at matulungin sa kapwa ang papel ni Angeline Quinto bilang si Diane …

Lito Lapid

Sen Lito minamaliit, pero working legislator: naghain ng 71 Bills, 14 Resolutions

I-FLEXni Jun Nardo MINALIIT man si Senador Lito Lapid nang mahalal na senador, dahil sa kakapusan ng …

Kim Chiu Lakam Chiu

Lakam Chiu sasagutin akusasyon ng kapatid na si Kim 

I-FLEXni Jun Nardo INIHAHANDA na ni Lakam Chui, sister ni Kim Chui, ang pagsagot sa mga akusayon  na …

Jeffrey Jeturian Angelica Panganiban Unmarry

Angelica inayawan, kinainisan ni direk Jeffrey 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AYAW nang makatrabaho ni direk Jeffrey Jeturian si Angelica Panganiban. Ito ang saloobin ng …

Paolo Valenciano Rico Blanco

Paolo Valenciano kay Rico Blanco: We’re simply not meant to work again

HUMINGI ng paumanhin si Paolo Valenciano sa kanilang kliyente, ang JBL Sound Fest, Cup of Joe, at sa …