Thursday , June 4 2026
PNP PRO3 Central Luzon Police

Kasapi ng CTG na tadtad ng kaso sa Albay arestado sa Bulacan

ISANG miyembro ng communist terrorist group (CTG) na may sapin-saping kaso sa hukuman ang naaresto sa isinagawang manhunt operation ng mga awtoridad sa Bustos, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat mula kay Police Regional Office 3 Director PBGeneral Ponce Rogelio I. Peñones Jr., ang akusado ay kinilalang si alyas “Zaldy” na naaresto sa pinagtataguan sa Brgy. Bonga Mayor, Bustos.

Si alyas “Zaldy” na miyembro ng communist terrorist group (CTG) sa ilalim ng SRYG, SRC5 at BPRC ay may mga kinakaharap na iba’t-ibang kaso sa hukuman kabilang ang attempted homicide, frustrated murder, murder, paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) at attempted murder, batay sa mga warrant of arrest na inilabas ng regional trial courts sa Albay.

Upang maaresto si alyas “Zaldy”, sa ikinasang manhunt operation ay nagtulong-tulong ang pinagsanib na puwersa ng Provincial Intelligence Unit, (PIU) ng Albay Police Provincial Office, Police Regional Office 3 (PRO3) at iba pang ahensiya ng nagpapatupad ng batas.

 Ayon kay RD Peñones Jr., ang pagkakaisa ng ng mga yunit ng pulisya mula sa Albay at Bulacan ay isang patunay na ang koordinado at disiplanadong operasyon ay susi sa epektibong pagpapatupad ng batas. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …